Sunday, February 27, 2005

Florante at Laura

Kay Selya

1Kung pagsaulan kong basahin sa isipang nangakaraang araw ng pag-ibigmay mahahagilap kayang natititikliban na kay Selyang namugad sa dibdib

2Yaong Selyang laging pinanganganiban,baka makalimot sa pag-iibigan;ang ikinalubog niring kapalaransa lubhang malalim na karalitaan.

3Makaligtaan ko kayang di basahin,nagdaang panahon ng suyuan namin?kaniyang pagsintang ginugol sa akinat pinuhunan kong pagod at hilahil?

4Lumipas ang araw na lubhang matamisat walang matira kundi ang pag-ibig,tapat na pagsuyong lalagi sa dibdibhanggang sa libingan bangkay ko'y maidlip.

5Ngayong namamanglaw sa pangungulila,ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,nagdaang panaho'y inaalaala,sa iyong larawa'y ninitang ginhawa.

6Sa larawang guhit ng sa sintang pinsel,kusang inilimbag sa puso't panimdimnag-iisang sanlang naiwan sa akin,at di mananakaw magpahanggang libing.

7Ang kaluluwa ko'y kusang dumadalawsa lansanga't nayong iyong niyapakan;sa ilog Beata't Hilom na mababaw,yaring aking puso'y laging lumiligaw.

8Di mamakailang mupo ang panimdimsa puno ng manggang naraanan natin;sa nagbiting bungang ibig mong pitasin,ang ulilang sinta'y aking inaaliw.

9Ang katauhan ko'y kusang nagtataliksa buntunghininga nang ikaw'y may sakit,himutok ko noo'y inaaring langit,paraiso naman ang may-tulong silid.

10Nililigaw ko ang iyong larawansa Makatang Ilog na kinalagian;binabakas ko rin sa masayang do'ngan,yapak ng paa mo sa batong tuntungan.

11Nagbabalik mandi't parang hinahanapdito ang panahong masayang lumipas:na kung maliligo'y sa tubig aagap,nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.

12Parang naririnig ang lagi mong wika"Tatlong araw na di nagtatanaw-tama,"at sinasagot ko ng sabing may tuwa"Sa isa katao'y marami ang handa."

13Anupa nga't walang di nasisiyasatang pag-iisip ko sa tuwang kumupas;sa kagugunita, luha'y lalagaslas,sabay ang taghoy kong "O, nasawing palad!"

14Nasaan si Selyang ligaya ng dibdib?ang suyuan nami'y bakit di lumawig?nahan ang panahong isa niyang titigang siyang buhay ko, kaluluwa't langit?

15Bakit baga noong kami'y maghiwalayay di pa nakitil yaring abang buhay?kung gunitain ka'y aking kamatayan,sa puso ko Selya'y di ka mapaparam.

16Itong di matiis na pagdaralitanang dahil sa iyo, O nalayong tuwaang siyang umakay na ako'y tumula,awitin ang buhay ng isang naaba.

17Selya'y talastas ko't malabis na umidmangmang ang musa ko't malumbay ang tinig;di kinabahagya kung hindi malait,palaring dinggin mo ang tainga't isip.

18Ito'y unang bukal ng bait kong kutadna inihahandog sa mahal mong yapak;tanggapin mo nawa kahit walang lasap,nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.

19Kung kasadlakan man ng pula't pag-ayoptubo ko'y dakila sa puhunang pagod;kung binabasa mo'y isa mang himutokay alalahanin yaring naghahandog.

20Masasayang Nimfas sa lawa ng Bai,Sirenas, ang tinig ay kawili-wili,kayo ngayo'y siyang pinipintakasing lubhang mapanglaw na Musa kong imbi.

21Ahon sa dalata't pampang na nagligid,tonohan ng lira yaring abang awitna nagsasalitang buhay ma'y mapatid,tapat na pagsinta'y hangad na lumawig.

22Ikaw na bulaklak niring dilidili,Selyang sagisag mo'y ang M. A. R.sa Birheng mag-ina'y ipamintakasiang tapat mong lingkod na si F. B.

Sa Babasa Nito

1Salamat sa iyo, O nanansang irog,kung halagahan mo itong aking pagod;ang tula ma'y bukal ng bait na kapos,pakikinabangan ng ibig tumarok.

2Kung sa biglang tingi'y bubot at masaklap,palibhasa'y hilaw at mura ang balat;nguni't kung namnamin ang sa lamang lasap,masasarapan din ang babasang pantas.

3Di ko hinihinging pakamahalin mo,tawana't dustain ang abang tula ko;gawin ang ibigi't alpa'y nasa iyoay huwag mo lamang baguhin ang berso.

4Kung sa pagbasa mo'y may tulang malabo,bago mo hatulang katkatin at liko,pasuriin muna ang luwasa't hulo,at makikilalang malinaw at wasto.

5Ang may tandang letra alinmang talata,di mo mawatasa't malalim na wika,ang mata'y itingin sa dakong ibaba,buong kahuluga'y mapag-uunawa.

6Hanggang dito ako, O nanasang pantas,sa kay Sigesmundo'y huwag ding matulad;Sa gayong katamis wikang masasarapay sa kababago ng tula'y umalat.FLORANTE AT LAURA**

Paglalarawan sa Kalagayan ni Florante**

1Sa isang madilim, gubat na mapanglaw,dawag na matinik ay walang pagitan,halos naghihirap ang kay Febong silangdumalaw sa loob ng lubhang masukal.

2Malalaking kahoy-ang ang inihahandogpawang dalamhati, kahapisa't lungkot;huni pa ng ibon ay nakalulunossa lalong matimpi't nagsasayang loob

.3Tanang mga baging namimilipitsa sanga ng kahoy ay balot ng tinik;may bulo ang bunga't nagbibigay-sakitsa kanino pa mang sumagi't malapit.

kulay luksa at nakikiayonsa nakaliliyong masangsang na amoy.

5Karamiha'y Cipres at Higerang kutadna ang lilim niyon ay nakasisindak;ito'y wal

ang bunga't daho'y malalapadna nakadidilim sa loob ng gubat.

6Ang mga hayop pang dito'y gumagala,karamiha'y Sierpe't Basilisco'y madla,Hiena't Tigreng ganid na nagsisisilang buhay ng tao't daiging kapuwa.

7Ito'y gubat manding sa pinto'y malapitng Avernong Reyno ni Plutong masungit;ang nasasakupang lupa'y dinidiligng Ilog Cocitong kamandag ang tubig.

8Sa may gitna nitong mapanglaw na gubat,may punong Higerang daho'y kulay pupas;dito nagagapos ang kahabag-habag,isang pinag-usig ng masamang palad.

9Baguntaong basal na ang anyo't tindig,kahit natatali-kamay paa't liig,kundi si Narciso'y tunay na Adonis,mukhang sumisilang sa gitna ng sakit.

10Makinis ang balat at anaki'y burokpilikmata'y kilay-mistulang balantok;bagong sapong ginto ang kulay ng buhok,sangkap ng katawa'y pawang magkaayos.

11Dangan doo'y walang Oreadas Nimfas,gubat ng Palasyo ng masidhing Harpias,nangaawa disi't naakay lumiyagsa himalang tipon ng karikta'y hirap.

12Ang abang uyamin ng dalita't sakit-ang dalawang mata'y bukal ang kaparis;sa luhang nanakit at tinangis-tangis,ganito'y damdamin ng may awang dibdib.

13"Mahiganting langit! bangis mo'y nasaan?ngayo'y naniniig sa pagkagulaylay;bago'y ang bandila ng lalong kasam-ansa Reynong Albania'y iwinawagayway.

14"Sa loob at labas ng bayan ko sawi,kaliluha'y siyang nangyayaring hari,kagalinga't bait ay nalulugami,ininis sa hukay ng dusa't pighati.

15"Ang magandang asal ay ipinupukolsa laot ng dagat na kutya't linggatong;balang magagaling ay ibinabaonat inililibing na walang kabaong.

16"Nguni ay ang lilo't masasamang-loobsa trono ng puri ay iniluluklok;at sa balang sukab na may asal-hayop,mabangong insenso ang isinusuob.

17"Kaliluha't sama ang ulo'y nagtayoat ang kabaita'y kimi't nakayuko;santong katuwira'y lugami at hapo,ang luha na lamang ang pinatutulo.

18"At ang balang bibig na binubukalanng sabing magaling at katotohanan,agad binibiyak at sinisikanganng kalis ng lalong dustang kamatayan.

19"O, taksil na pita sa yama't mataas!O, hangad sa puring hanging lumilipas!ikaw ang dahilan ng kasam-ang lahatat niring nasapit na kahabag-habag!

20"Sa korona dahil ng Haring Linceoat sa kayamanan ng Dukeng Ama ko,ang ipinangangahas ng Konde Adolfosabugan ng sama ang Albanyang Reyno.

21"Ang lahat ng ito'y maawaing Langit,Iyong tinutungha'y ano't natitiis?mula Ka ng buong katuwira't bait,pinapayagan Mong ilubog ng lupit.

22"Makapangyarihang kanan Mo'y ikilos,papamilantikan ang kalis ng poot;sa Reynong Albanya'y kusang ibulusokang Iyong higanti sa masamang-loob.

23"Bakit Kalangita'y bingi Ka sa akin,ang tapat kong luhog ay hindi Mo dinggin?diyata't sa isang alipusta't iring,sampung tainga mo'y ipinangunguling?

24"Datapuwa't sino ang tatarok kayasa mahal Mong lihim, Diyos na dakila?walang nangyayari sa balat ng lupa,di may kagalingang Iyong ninanasa.

25"Ay! di saan ngayon ako mangangapit!saan ipupukol ang tinangis-tangis,kung ayaw na ngayong dinigin ng Langitang sigaw ng aking malumbay na boses!

26"Kung siya mong ibig na ako'y magdusa,Langit na mataas, aking mababata;isagi mo lamang sa puso ni Laura--ako'y minsan-minsang mapag-alaala."**Epekto ng Panibugho kay Florante**

27"At dito sa laot ng dusa't hinagpis,malawak na lubhang aking tinawid,gunita ni Laura sa naabang ibig,siya ko na lamang ligaya sa dibidib.

28"Munting gunamgunam ng sinta ko't mutyanang dahil sa aki'y dakila kong tuwa;higit na malaking hirap at dalita,parusa ng taong lilo't walang awa.

29"Sa pagkagapos ko'y kung gunigunihin,malamig nang bangkay akong nahihimbing;na tinatagisan ng sula ko't giliw,ang pagkabuhay ko'y walang hangga mandin.

30"Kung apuhapin ko sa sariling isip,ang suyuan namin ng pili kong ibig;ang pagluha niya kung ako'y may hapis,nagiging ligaya yaring madlang sakit.

31"Nguni, sa aba ko! sawing kapalaran!ano pang halaga ng gayong suyuan ...kung ang sing-ibig ko'y sa katahimikanay humuhilig na sa ibang kandungan?

32"Sa sinapupunan ni Konde Adolfo,aking natatanaw si Laurang sinta ko;kamataya'y nahan ang dating bangis mo,nang di ko damdamin ang hirap na ito?"

33Dito hinimatay sa paghihinagpis,sumuko ang puso sa dahas ng sakit;ulo'y nalungayngay, luha'y bumalisbis,kinagagapusang kahoy ay nadilig.

34Magmula sa yapak hanggang sa ulunan,nalimbag ang bangis ng kapighatian;at ang panibugho'y gumamit ng asalna lalong marahas, lilong kamatayan.

35Ang kahima't sinong hindi maramdamin,kung ito'y makita magmamahabagin;matipid na luha ay paaagusin,ang nagparusa ma'y pilit hahapisin.

36Sukay na ang tingnan ang lugaming anyonitong sa dalita'y hindi makakibo,aakayin biglang umiyak ang puso,kung wala nang luhang sa mata'y itulo.

37Gaano ang awang bubugso sa dibdibng may karamdamang maanyong tumitig,kung ang panambita't daing ay marinignang mahimasmasan ang tipon ng sakit?

38Halos buong gubat ay nasasabuganng dinaing-daing lubhang malumbay,na inuulit pa at isinisigawsagot sa malayo niyong alingawngaw.

39"Ay! Laurang poo'y bakit isinuyosa iba ang sintang sa aki'y pangako;at pinagliluhan ang tapat na puso,pinaggugulan mo ng luhang tumulo?

40"Di sinumpaan mo sa harap ng Langitna di maglililo sa aking pag-ibig?ipinabigay ko naman yaring dibdib,wala sa gunita itong masasapit!

41"Katiwala ako't ang iyong kariktan,kapilas ng langit anaki'y matibay;tapat ang puso mo't di nagunamgunamna ang paglililo'y nasa kagandahan.

42"Hindi ko akalaing iyong sasayanginmaraming luha mong ginugol sa akin;taguring madalas na ako ang giliw,mukha ko ang lunas sa madlang hilahil.

43"Di kung ako'y utusang manggubatng hari mong ama sa alinmang Ciudad,kung ginagawa mo ang aking sagisag,dalawa mong mata'y nanalong ng perlas?

44"Ang aking plumahe kung itinatahiang parang korales na iyong daliri,buntunghininga mo'y nakikiugalisa kilos ng gintong ipinananahi.

45"Makailan Laurang sa aki'y iabot,basa pa ng luha bandang isusuot;ibinibigay mo ay naghihimutok,takot masugatan sa pakikihamok.

46"Baluti't koleto'y di mo papayagangmadampi't malapat sa aking katawan,kundi tingnan muna't baka may kalawangay nanganganib kang damit ko'y marumhan.

47"Sinisiyasat mo ang tibay at kintabna kung sayaran man ng taga'y dumulas;at kung malayo mang iyong minamalas,sa gitna ng hukbo'y makilala agad.

48"Pahihiyasan mo ang aking turbanteng perlas, topasyo't maningning na rubi;bukod ang magalaw na batong d'yamante,puno ng ngalan mong isang letrang L.

49"Hanggang ako'y wala't nakikipaghamok,nag-aapuhap ka ng pang-aliw-loob;manalo man ako'y kung bagong nanasok,nakikita mo na'y may dala pang takot.

50"Buong panganib mo'y baka nagkasugat,di maniniwala kung di masiyasat;at kung magkagurlis nang munti sa balat,hinuhugasan mo ng luhang nanatak.

51"Kung ako'y mayroong kahapisang munti,tatanungin mo na kung ano ang sanhi;hanggang di malining ay idinarampisa mga mukha ko ang rubi mong labi.

52"Hindi ka tutugot kung di matalastas,kakapitan mo nang mabigyan ng lunas;dadalhin sa hardi't doon ihahanapng ikaaaliw sa mga bulaklak.

53"Iyong pipitasin ang lalong marikit,dini sa liig ko'y kusang isasabit;tuhog na bulaklak sadyang salit-salit,pag-uupandin mong lumbay ko'y mapaknit.

54"At kung ang hapis ko'y hindi masawata,sa pilikmata mo'y dadaloy ang luha;napasaan ngayon ang gayong aruga,sa dala kong sakit ay di iapula?

55"Halina, Laura ko't aking kailanganngayon, ang lingap mo nang naunang araw;ngayon hinihingi ang iyong pagdamay--ang abang sinta mo'y nasa kamatayan.

56"At ngayong malaki ang aking dalitaay di humahanap ng maraming luha;sukat ang kapatak na makaapula,kung sa may pagsintang puso mo'y magmula.

57"Katawan ko ngayo'y siyasatin, ibig,tingnan ang sugat kong di gawa ng kalis;hugasan ang dugong nanalong sa gitgitsa kamay ko, paa't natataling liig.

58"Halina, irog ko't ang damit ko'y tingnan,ang hindi mo ibig dumamping kalawang:kalagin ang lubid at iyong bihisan,matinding dusa ko'y nang gumaan-gaan.

59"Ang mga mata mo ay iyong ititigdini sa anyo kong sadlakan ang sakit,upang di mapigil ang takbong mabilisniring abang buhay sa ikapapatid.

60"Wala na Laura't ikaw na nga lamangang makalulunas niring kahirapan;damhin ng kamay mo ang aking katawanat bangkay man ako'y muling mabubuhay!

61"Nguni, sa aba ko! Ay, sa laking hirap!wala na si Laurang laging tinatawag!napalayu-layo't di na lumiliyag,ipinagkanulo ang sinta kong tapat.

62"Sa abang kandunga'y ipinagbiyayaang pusong akin na at ako'y dinaya;buong pag-ibig ko'y ipinanganyaya,nilimot ang sinta'y sinayang ang luha.

63"Alin pa ang hirap na di sa akinmay kamatayan pang di ko daramdamin?ulila sa ama't inang nag-angkin,walang kaibiga't nilimot ng giliw.

64"Dusa sa puri kong kusang siniphayo,palasong may lasong natirik sa puso;habag sa ama ko'y tunod na tumimo,ako'y sinusunog niring panibugho.

65"Ito'y siyang una sa lahat ng hirap,pagdaya ni Laura ang kumakamandag;dini sa buhay ko'y siyang magsasadlaksa libingang laan ng masamang palad.

66"O, Konde Adolfo, inilapat mo mansa akin ang hirap ng sansinubukan,ang kabangisan mo'y pinasasalamatan,ang puso ni Laura'y kung di inagaw."

67Dito naghimutok nang kasindak-sindakna umalingawngaw sa loob ng gubat;tinangay ang diwa't karamadamang hawakng buntunghininga't luhang lumagaslas.

68Sa puno ng kahoy na napayukayok;ang ibig ay supil ng lubid na gapos;bangkay na mistula't ang kulay ng burokng kanyang mukha'y naging puting lubos.**Dalawang Uri ng Ama**

69Nagkataong siyang pagdating sa gubatng isang gererong bayani ang tikas,putong na turbante ay kalingas-lingaspananamit moro sa Persyang siyudad.

70Pinigil ang lakad at nagtanaw-tanaw,anaki'y ninitang pagpapahingahan,di kaginsa-ginsa'y ipinagtapunanang pika't adarga't nagdaop ng kamay.

71Saka tumingala't mata'y itiniriksa bubong ng kahoy na takip sa Langit,istatuwa manding nakatayo'y umid,ang buntunghininga niya'y walang patid.

72Nang magdamdam-ngawit sa pagayong anyo,sa puno ng isang kahoy ay umupo,nagwikang "O palad!" sabay ang pagtulosa mata ng luhang anaki'y palaso.

73Ulo'y ipinatong sa kaliwang kamayat saka tinutop ang noo ng kanan;isang mayroong ginugunamgunam--isang mahalagang nalimutang bagay.

74Malao'y humilig, nagwalang-bahala,di rin kumakati ang batis ng luha;sa madlang himutok ay kasalamuhaang wikang: "Flerida'y tapos na ang tuwa!"

75Sa balang sandali ay sinasabuganyaong buong gubat ng maraming "Ay! Ay!"na nakikitono sa huning mapanglawng panggabing ibong doo'y nagtatahan.

76Pamaya-maya'y nabangong nagulat,tinangnan ang pika't sampu ng kalasag;nalimbag sa mukha ang bangis ng furias--"Di ko itutulot!" ang ipinahayag.

77"At kung kay Flerida'y iba ang umagawat di ang ama kong dapat na igalang,hindi ko masabi kung ang pikang tangan--bubuga ng libo't laksang kamatayan!

78"Bababa si Marte mula sa itaasat kailalima'y aahon ang Parcas;buong galit nila ay ibubulalas,yayakagin niring kamay kong marahas!

79"Sa kuko ng lilo'y aking aagawinang kabiyak niring kaluluwang angkin;liban na kay ama, ang sinuma't alinay di igagalang ng tangang patalim.

80"O, pagsintang labis ng kapangyarihan,sampung mag-aama'y iyong nasasaklaw;pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,hahamaking lahat masunod ka lamang!

81"At yuyurakan na ang lalong dakila--bait, katuwira'y ipanganganyaya;buong katungkula'y wawal-ing-bahala,sampu ng hininga'y ipauubaya.

82"Itong kinaratnan ng palad ko linsilsalaming malinaw na sukat mahalinng makatatatap, nang hindi sapitinang kahirapan kong di makayang bathin."

83Sa mawika ito luha'y pinaagos,pika'y isinaksak saka naghimutok;nagkataon namang parang isinagotang buntunghininga niyaong nagagapos.

84Gerero'y namangha nang ito'y marinig,pinagbaling-baling sa gubat ang titig;nang walang makita'y hinintay umulit,di man nalao'y nagbangong humibik.

85Ang bayaning Moro'y lalo nang namaang,"Sinong nanaghoy sa ganitong ilang?"lumapit sa dakong pinanggagalinganng buntunghininga't pinakimatyagan.

86Inabutan niya'y ang ganitong hibik:"Ay, mapagkandiling amang iniibig!bakit ang buhay mo'y naunang napatid,ako'y inulila sa gitna ng sakit?

87"Kung sa gunita ko'y pagkuru-kuruinang pagkahulog mo sa kamay ng taksil,parang nakikita ang iyong narating...parusang marahas na kalagim-lagim.

88"At alin ang hirap na di ikakapitsa iyo ng Konde Adolfong malupit?ikaw ang salamin - sa Reyno - ng bait,pagbubuntunan ka ng malaking galit.

89"Katawan mo ama'y parang namamalasngayon ng bunso mong lugami sa hirap;pinipisan-pisan at iwinawalatng pawa ring lilo'y berdugo ng sukab.

90"Ang nagkahiwalay na laman mo't buto,kamay at katawang nalayo sa ulo,ipinaghagisan niyong mga liloat walang maawang naglibing na tao.

91"Sampu ng lingkod mo't mga kaibigankung kampi sa lilo'y iyong nang kaaway;ang di nagsiayo'y natatakot namangbangkay mo'y ibao't mapaparusahan.

92"Hanggang dito ama'y aking naririnig,nang ang iyong ulo'y itapat sa kalis;ang panambitan mo't dalangin sa Langit,na ako'y maligtas sa kukong malupit.

93"Ninanasa mo pang ako'y matabunanng bangkay sa gitna ng pagpapatayan,nang huwag mahulog sa panirang kamayng Konde Adolfong higit sa halimaw.

94"Pananalangin mo'y di pa nagaganap,sa liig mo'y biglang nahulog ang tabak;nasnaw sa bibig mong huling pangungusapang Adiyos bunso't buhay mo'y lumipas.

95"Ay, amang ama ko! kung nagunamgunam--madla mong pag-irog at pagpapalayaw,ipinapalaso ng kapighatian--luha niring pusong sa mata'y nunukal.

96"Walang ikalawang ama ka sa lupasa anak na kandong ng pag-aaruga;ang munting hapis kong sumungaw sa mukha,sa habag mo'y agad nanalong ang luha.

97"Ang lahat ng tuwa'y natapos sa akin,sampu niring buhay ay naging hilahil;ama ko'y hindi na malaong hihintinako't sa payapang baya'y yayakapin."

98Sandaling tumigil itong nananangis,binigyang-panahon luha'y tumagistisniyong naawang morong nakikinig...sa habag ay halos magputok ang dibdib.

99Tinutop ang puso at saka nagsaysay,"Kailan," aniya, "luha ko'y bubukalng habag kay ama at panghihinayangpara ng panaghoy ng nananambitan?

100"Sa sintang inagaw ang itinatangis,dahilan ng aking luhang nagbabatis;yao'y nananaghoy dahil sa pag-ibigsa amang namatay na mapagtangkilik.

101"Kung ang walang patid na ibinabahang mga mata ko'y sa hinayang mula--sa mga palayaw ni ama't aruga--malaking palad ko't matamis na luha.

102"Ngunit ang nanahang maralitang tubig...sa mukha't dibdib kong laging dumidilig,kay ama nga galing datapuwa't sa bangis,hindi sa andukha at pagtatangkilik.

103"Ang matatawag kong palayaw sa akinng ama ko'y itong ako'y pagliluhin,agawan ng sinta't panasa-nasainglumubog sa dusa't buhay ko'y makitil.

104"May para kong anak na napanganyaya,ang layaw sa ama'y dusa't pawang luha?hindi nakalasap kahit munting tuwasa masintang inang pagdaka'y nawala!"**Pagmamahal sa Bayan**

105Napahinto rito'y narinig na muliang pananambitan niyong nakatali,na ang wika'y "Laurang aliw niring budhi,paalam ang abang kandong ng pighati."

106"Lumagi ka nawa sa kaligayahan,sa harap ng di mo esposang katipan;at huwag mong datnin yaring kinaratnanng kasing nilimot at pinagliluhan.

107"Kung nagbangis ka ma't nagsukab sa akin,mahal ka ring lubha dini sa panimdimat kung mangyayari hanggang sa malibing,ang mga buto ko, kita'y sisintahin."

108Di pa natatapos itong pangungusap,may dalawang leong hangos ng paglakad,siya'y tinutungo't pagsil-in ang hangad,ngunit nangatigil pagdating sa harap.

109Nangaawa mandi't nawalan ng bangissa abang sisil-ing larawan ng sakit;nangakatingala't parang nakikinigsa di lumilikat na tinangis-tangis.

110Anong loob kaya nitong nagagapos,ngayong nasa harap ang dalawang hayop,na ang balang ngipi't kuko'y naghahandog--isang kamatayang kakila-kilabot!

111Di ko na masabi't luha ko'y nanatak,nauumid yaring dilang nangungusap;puso ko'y nanlambot sa malaking habagsa kaawa-awang kinubkob ng hirap.

112Sino'y di mahapis na may karamdaman sa lagay ng gapos na kalumbay-lumbay;lipos ng pighati saka tinutunghansa laman at buto niya ang hihimay!

113Katiwala na nga itong tigib-sakitna ang buhay niya'y tuntong na sa guhit;nilagnat ang puso't nasira ang boses,di na mawatasan halos itong hibik.

114"Paalam, Albanyang pinamamayananng kasam-at lupit, bangis, kaliluhan;akong tanggulan mo'y kusa mang pinatay,sa iyo'y malaki ang panghihinayang.

115"Sa loob mo nawa'y huwag mamilantikang panirang talim ng katalong kalis;magka-espada kang para nang binitbitniring kinuta mong kanang matangkilik.

116"Kinasuklaman mo ang pangako--sa iyo'y gugulin niniyak kong dugo;at inibig mo pang hayop ang magbubosa kung itanggol ka'y maubos tumulo.

117"Pagkabata ko na'y walang inadhikakundi paglilingkod sa iyo't kalinga;di makailan kang babal-ing masira,ang mga kamay ko'y siyang tumimawa.

118"Dustang kamatayan ang bihis mong bayad;dapuwa't sa iyo'y magpapasalamatkung pakamahali't huwag ipahamakang tinatangisang giliw na nagsukab.

119"Yaong aking Laurang hindi mapapaknitng kamatayan man sa tapat ng dibdib;paalam, Bayan ko, paalam na, ibig,magdarayang sintang di manaw na isip!

120"Bayang walang-loob, sintang alibugha,Adolfong malupit, Laurang magdaraya,magdiwang na ngayo't manulos sa tuwaat masusunod na sa akin ang nasa.

121"Nasa harap ko na ang lalong marawal,mabangis na lubhang lahing kamatayan;malulubos na nga ang iyong kasam-an,gayundin ang aking kaalipustaan.

122"Sa abang-aba ko! diyata, O Laura...mamamatay ako'y hindi mo na sinta!ito ang malapit sa lahat ng dusa,sa akin ay sino'ng mag-aalaala!

123"Diyata't ang aking pagkapanganyaya,di mo tatapunan ng munti mang luha;kung yaring buhay ko'y mahimbing sa wala,di babahaginan ng munting gunita!

124"Guniguning ito'y lubhang makamandag,agos na luha ko't puso ko'y maagnastulo kaluluwa't sa mata'y pumulas,kayo aking dugo'y mag-unahang matak.

125"Nang matumbasan ko ang luha, ang sakitnitong pagkalimot ng tunay kong ibig,huwag yaring buhay ang siyang itangiskundi ang pagsintang lubos na naamis."**Pagliligtas ni Aladin kay Florante**

126Sa tinaghuy-taghoy na kasindak-sindak,gerero'y hindi na napigil ang habag,tinunton ang boses at siyang hinanap,patalim ang siyang nagbukas ng landas.

127Dawag na masinsi'y naglagi-lagitiksa dagok ng lubhang matalas na kalis;moro'y di tumugot hanggang di nasapitang binubukalan ng maraming tangis.

128Anyong pantay-mata ang lagay ng arawniyong pagkatungo sa kalulunuran;siyang pagkataas sa kinalalagyannitong nagagapos na kahambal-hambal.

129Nang malapit siya't abutin ng sulyapang sa pagkatali'y linigid ng hirap,nawalan ng diwa't luha'y lumagaslas,katawan at puso'y nagapos ng habag.

130Malaong natigil na di nakakibo,hininga'y hinabol na ibig lumayo;matutulog disin sa habag ang dugo,kundangan nagbangis leong nangagtayo.

131Naakay ng gutom at gawing manila,nag-uli sa ganid at nawalang-awa;handa na ang ngipi't kukong bagong hasaat pagsasabayan ang gapos ng iwa.

132Tanang balahibo'y pinapangalisag,nanindig ang buntot na nakagugulat;sa bangis ng anyo at nginasab-ngasab,Puryang nagngangalit ang siyang katulad.

133Nagtaas ang kamay at nangakaakmasa katawang gapos ang kukong pansira;nang darakmain na'y siyang pagsagasaniyong bagong Marteng lumitaw sa lupa.

134Inusig ng taga ang dalawang leon,si Apolo mandin sa Serp'yente Piton;walang bigong kilos na di nababaonang lubhang bayaning tabak na pamutol.

135Kung ipamilantik ang kanang pamatayat saka isalag ang pang-adyang kamay,maliliksing leon ay nangalilinlang,kaya di nalao'y nangagumong bangkay.

136Nang magtagumpay ang gererong bantogsa nangakalabang mabangis na hayop,luha'y tumutulong kinalag ang gaposng kaawa-awang iniwan ng loob.

137Halos nabibihay sa habag ang dibdib,dugo'y nang matingnang nunukal sa gitgit;sa pagkalag niyang maliksi'y nainipsa siga-sigalot na madlang bilibid.

138Kaya ang ginawa'y inagapayanan,katawang malatang parang bagang bangkay;at minsang pinatid ng espadang tanganwalang awang lubid na lubhang matibay.

139Umupo't kinalong na naghihimutok,katawang sa dusa hininga'y natulog;hinaplos ang mukha't dibdib ay tinuptop,nasa ng gerero'y pagsaulang-loob.

140Doon sa pagtitig sa pagkalungayngayna kanilang kalong kalumbay-lumbay,nininilay niya at pinagtatakhanang dikit ng kiyas at kinasapitan.

141Namamangha naman ang magandang kiyas,kasing-isa't ayon sa bayaning tikas;mawiwili disin ang iminamalasna mata, kandungan sa malaking habag.

142Gulung-gulong lubha ang kaniyang loob,nguni't napayapa ng anyong kumilositong abang kandong na kalunus-lunos,nagising ang buhay na nakakatulog.

143Sa pagkalungayngay mata'y idinilat,himutok ang unang bati sa liwanag;sinundan ng taghoy na kahabag-habag;"Nasaan ka Laura sa ganitong hirap?"

144"Halina, giliw ko't gapos ko'y kalagin,kung mamatay ako'y gunitain mo rin."pumikit na muli't napatid ang daing,sa may kandong namang takot na sagutin.

145Ipinanganganib ay baka mabigla,magtuloy mapatid hiningang mahina;hinintay na lubos niyang mapayapaang loob ng kandong na lipos-dalita.

146Nang muling mamulat ang nagitlaanan,"Sino? sa aba ko't nasa Morong kamay!"ibig na iigtad ang lunong katawan,nang hindi mangyari'y nagngalit na lamang.

147Sagot ng gerero'y "Huwag kang manganibsumapayapa ka't mag-aliw ng dibdib;ngayo'y ligtas ka na sa lahat ng sakit,may kalong sa iyo ang nagtatangkilik.

148"Kung nasusuklam ka sa aking kandungan,lason sa puso mo ang hindi binyagannakukutya akong di ka saklolohansa iyong nasapit na napakarawal.

149"Ipinahahayag ng pananamit mo,taga-Albanya ka at ako'y Persyano;ikaw ay kaaway ng baya't sekta ko,sa lagay mo ngayo'y magkatoto tayo.

150"Moro ako'y lubos na taong may dibdibat nasasaklaw rin ng utos ng Langit;dine sa puso ko'y kusang natititik-natural na ley-ing sa aba't mahapis.

151"Anong gagawin ko'y aking napakingganang iyong pagtaghoy na kalumbay-lumbay,gapos na nakita't pamumutiwananng dalawang ganid, ng bangis na tangan."

152Nagbuntunghininga itong abang kalongat sa umaaaliw na Moro'y tumugon,"Kung di mo kinalag sa puno ng kahoy,nalibing na ako sa tiyan ng leon.

153"Payapa na naman disin yaring dibdib,napagkikilalang kaaway kang labis;at di binayaang nagkapatid-patidang aking hiningang kamataya't sakit.

154"Itong iyong awa'y di ko hinahangad,patayin mo ako'y siyang pitang habag;di mo tanto yaring binabatang hirap,na ang kamatayan ang buhay kong hanap."

155Dito napahiyaw sa malaking hapisang Morong may awa't luha'y tumagistis;siyang itinugon sa wikang narinigat sa panlulumo'y kusang napahilig.

156Anupa't kapwa hindi nakakibodi nangakalaban sa damdam ng puso;parang walang malay hanggang sa magtago'thumilig sa Pebo sa hihigang ginto.

157May awang gerero ay sa maramdaman,malamlam na sinag sa gubat ay nanaw,tinunton ang landas na pinagdaanan,dinala ang kalong sa pinanggalingan.

158Doon sa naunang hinintuang dakonang masok sa gubat ang bayaning Moro,sa isang malapad, malinis na bato,kusang pinagyaman ang lugaming pangko.

159Kumuha ng munting baong makakain,ang nagdaralita'y inamong tumikim,kahit umaayaw ay nahikayat dinng sabing malambot na pawang pang-aliw.

160Naluwag-luwagan ang panghihingapos,sapagka't naawas sa pagkadayukdok,hindi kinukusa'y tantong nakatulog,sa sinapupunan ng gererong bantog.

161Ito'y di umidlip sa buong magdamag,sa pag-aalaga'y nagbata ng puyat;ipinanganganib ay baka makagatng ganid na madlang nagkalat sa gubat.

162Tuwing magigising sa magaang tulog,itong lipos-hirap ay naghihimutok,pawang tumitirik na anaki'y tunodsa dibdib ng Morong may habag at lunos.

163Nang magmamadaling-araw ay nahimbing,munting napayapa sa dalang hilahil;hanggang sa Aurorang itaboy ang dilim,walang binitiwang himutok at daing.

164Ito ang dahilang ipinagkasundo,limang karamdamang parang hinahalo;ikinatiwasay ng may dusang puso,lumakas na muli ang katawang hapo.

165Kaya't nang isabog sa sansinukubanang doradong buhok ng masayang araw,nagbangong hinaho't pinasalamatansa Langit ang bagong lakas ng katawan.

166Sabihin ang tuwa ng gererong hayag,ang abang kinalong ay biglang niyakap;kung nang una'y nukal ang luha sa habag,ngayo'y sa galak na ang inilagaslas.

167Kapos ang dila kong magsaysay ng laking pasasalamat nitong kinandili;kundangan ang dusa'y sa nawalang kasiay napawi disin sa tuwang umali.

168Sapagka't ang dusang mula sa pag-ibigkung kahit mangyaring lumayo sa dibdib,kisapmata lamang ay agad babalikat magdaragdag pa sa una ng bangis.

169Kaya hindi pa rin halos dumadapoang tuwa sa lamad ng may dusang pusoay itinakwil na ang dalitang laloat ang tunod niya'y siyang itinimo.

170Niyapos na muli ang dibdib ng dusa,hirap yatang bathin ng sakit sa sinta!dangan inaaliw ng Moro sa Persya,natuluyang nanaw ang tangang hininga.

171"Iyong natatanto ang aking paglingap,"anitong Persyano sa nababagabag;"mula ng hirap mo'y ibig kong magtatapat nang kung may daa'y malagyan ng lunas."

172Tugon ng may dusa'y "di lamang ang mulaniring dalita ko ang isasalita,kundi sampung buhay sapul sa pagkabata,nang maganapan ko ang hingi mo't nasa."

173Nupong nag-agapay sa puno ng kahoyang may dalang habag at lipos-linggatong,saka sinalitang luha'y bumabalong,buong naging buhay hanggang naparool.**Ang Kabataan ni Florante**

174"Sa isang dukado ng Albanyang syudaddoon ko nakita ang unang liwanag,yaring katauha'y utang kong tinanggapsa Duke Briseo, ay ama kong liyag!

175"(Ngayon nariyan ka sa payapang bayan,sa harap ng aking inang minamahal,Prinsesa Florescang esposa mong hirang,tanggap ang luha kong sa mata'y nunukal.)

176"Bakit naging tao ako sa Albanya,bayan ng ama ko, at di sa Krotona,masayang Siyudad na lupa ni ina?disin ang buhay ko'y di lubhang nagdusa?

177"Ang dukeng ama ko'y pribadong tanunganng Haring Linceo sa anumang bagay;pangalawang puno ng sangkaharian,may gintong ugali at iginagalang.

178"Kung sa kabaita'y uliran ng lahatat sa katapanga'y pang-ulo sa syudad;walang kasindunong magmahal sa anak,umakay, magturo sa gagawing dapat.

179"Naririnig ko pa halos hanggang ngayon,malayaw na tawag ng ama kong poon.noong ako'y batang kinakandung-kandong,taguring Floranteng bulaklak kong bugtong.

180"Ito ang ngalan ko mulang pagkabata,nagisnan sa ama't inang nag-andukha;pamagat na ambil sa lumuha-luhaat kayakap-yakap ng madlang dalita.

181"Buong kamusmusa'y di na sasalitin,walang may halagang nangyari sa akinkundi nang sanggol pa'y kusang daragitinng isang buwitreng ibong sadyang sakim.

182"Ang sabi ni ina ako'y natutulogsa bahay sa kintang malapit sa bundok;pumasok ang ibong pang-amoy ay abothanggang tatlong legwas sa patay na hayop.

183"Sa sinigaw-sigaw ng ina kong mutya,nasok ang pinsan kong sa Epiro mula;ngala'y Menalipo-may taglay na pana--tinudla ang ibo't namatay na bigla.

184"Isang araw namang bagong lumalakad,noo'y naglalaro sa gitna ng salasmay nasok na Arco't biglang sinambilatKupidong diamanteng sa dibdib ko'y hiyas.

185"Nang tumuntong ako sa siyam na taon,palaging gawa ko'y mag-aliw sa burol;sakbat ang palaso't ang busog na kalong,pumatay ng hayop, mamana ng ibon.

186"Sa tuwing umagang bagong naglalatagang anak ng araw ng masayang sinag,naglilibang ako sa tabi ng gubat,madla ang kaakbay ng mga alagad.

187"Hanggang sa tingal-in ng sandaigdiganang mukha ni Pebong hindi matitiganay sinasagap ko ang kaligayahanghandog niyong hindi maramot na parang.

188"Aking tinitipon ang ikinakalatna masayang bango ng mga bulaklak,inaaglahi ko ang laruang palad,mahinhing amiha't ibong lumilipad.

189"Kung ako'y mayroong matanaw na hayopsa tinitingalang malapit na bundok,biglang ibibinit ang pana sa busog,sa minsang tudla ko'y pilit matutuhog.

190"Tanang samang lingkod ay nag-aagawan,unang makarampot ng aking napatay;ang tinik sa dawag ay di dinaramdam,palibhasa'y tuwa ang nakaakay.

191"Sukat maligaya sinumang manoodsa sinuling-suling ng sama kong lingkod;at kung masunduan ang bangkay ng hayop,ingay ng hiyawan sa loob ng tumok.

192"Ang laruang busog ay kung pagsawaan,uupo sa tabi ng matuling bukal,at mananalamin sa linaw ng kristalsasagap ng lamig na iniaalay.

193"Dito'y mawiwili sa mahinhing tinigang nangagsasayang Nayades sa batis;taginting ng Lirang katono ng awit,mabisang pamawi sa lumbay ng dibdib.

194"Sa tamis ng tinig na kahalak-halakng nag-aawitang masasayang Nimfasnaaanyayahan sampung lumilipad--sarisaring ibong agawan ng dilag.

195Kaya nga't sa sanga ng kahoy na duklay,sa mahal na batis na iginagalangng bulag na Hentil ay nagluluksuhan,ibo'y nakikinig ng pag-aawitan.

196"Anhin kong saysayin ang tinamong tuwang kabataan ko't malawig na lubha;pag-ibig ni ama'y siyang naging mula,lisanin ko yaong gubat na payapa.

197"Pag-ibig anaki'y aking nakilala,di dapat palakhin ang bata sa saya;at sa katuwaa'y kapag namihasa,kung lumaki'y walang hihinting ginhawa.

198"Sapagka't ang mundo'y bayan ng hinagpos,mamamaya'y sukat tibayan ang dibdib;lumaki sa tuwa'y walang pagtitiis...anong ilalaban sa dahas ng sakit?

199"Ang taong magawi sa ligaya't aliw,mahina ang puso't lubhang maramdamin;inaakala pa lamang ang hilahilna daratni'y, di na matutuhang bathin.

200"Para ng halamang lumaki sa tubig,daho'y malalanta munting di madilig;ikinaluluoy ang sandaling init,gayundin ang pusong sa tuwa'y maniig.

201"Munting kahirapa'y mamalakhing dala,dibdib palibhasa'y di gawing magbata;ay bago sa mundo'y bawat kisapmata,nang tao'y mayroong sukat ipagdusa.

202"Ang laki sa layaw karaniwa'y hubadsa bait at muni't sa hatol ay salat;masaklap na bunga ng maling paglingap,habag ng magulang sa irog na anak.

203"Sa taguring bunso't likong pagmamahal,ang isinasama ng bata'y nunukal;ang iba marahil sa kapabayaanng dapat magturong tamad na magulang.

204"Ang lahat ng ito'y kay amang talastas,kaya nga ang luha ni ina'y hinamak;at ipinadaka ako sa Atenas--bulag na isip ko'y nang doon mamulat."**Buhay sa Atenas**

205"Pag-aaral sa akin ay ipinatungkolsa isang mabait, maestrong marunong;lahi ni Pitaco--ngala'y si Antenor--lumbay ko'y sabihin nang dumating doon.

206"May sambuwan halos na di nakakain,luha sa mata ko'y di mapigil-pigil,nguni't napayapa sa laging pag-aliwng bunying maestrong may kupkop sa akin.

207"Sa dinatnan doong madlang nag-aaralkaparis kong bata't kabaguntauhan,isa'y si Adolfong aking kababayan,anak niyong Konde Silenong marangal.

208"Ang kaniyang tao'y labis ng dalawasa dala kong edad na lalabing-isa;siyang pinopoon ng buong eskwela,marunong sa lahat na magkakasama.

209"Mahinhin ang asal na hindi magasoat kung lumakad pa'y palaging patungomabining mangusap at walang katalo,lapastanganin ma'y hindi nabubuyo.

210"Anupa't sa bait ay siyang huwaranng nagkakatipong nagsisipag-aral;sa gawa at wika'y di mahuhulihanng munting panira sa magandang asal.

211"Ni ang katalasan ng aming maestroat pagkabihasa sa lakad ng mundoay hindi natarok ang lihim at tungong pusong malihim nitong si Adolfo.

212"Akong pagkabata'y ang kinamulatankay ama'y ang bait na di paimbabaw,yaong namumunga ng kaligayahan,nanakay sa pusong suyui't igalang.

213"Sa pinagtatakhan ng buong eskwelabait ni Adolfong ipinakikita,di ko malasapan ang haing ligayang magandang asal ng ama ko't ina.

214"Puso ko'y ninilag na siya'y giliwin,aywan nga kung bait at naririmarim;si Adolfo nama'y gayundin sa akin,nararamdaman ko kahit lubhang lihim.

215"Araw ay natakbo at ang kabataansa pag-aaral ko sa aki'y nananaw;bait ko'y luminis at ang karunungan,ang bulag kong isip ay kusang dinamtan.

216"Natarok ang lalim ng pilosopiya,aking natutuhan ang astrolohiya,natantong malinis ang kataka-takaat mayamang dunong ng matematika.

217"Sa loob ng anim na taong lumakad,itong tatlong dunong ay aking nayakap;tanang kasama ko'y nagsipanggilalas,sampu ng maestrong tuwa'y dili hamak.

218"Ang pagkatuto ko anaki'y himala,sampu ni Adolfong naiwan sa gitna;maingay na pamang tagapamalita,sa buong Atenas ay gumala-gala.

219"Kaya nga at ako ang naging hantungan,tungo ng salita ng tao sa bayan;mulang bata't hanggang katanda-tandaanay nakatalastas ng aking pangalan.

220"Dito na nahubdan ang kababayan kong hiram na bait na binalatkayo;kahinhinang-asal na pakitang-tao,nakilalang hindi bukal kay Adolfo.

221"Natanto ng lahat na kaya nanamitniyong kabaitang di taglay sa dibdibay nang maragdag pa sa talas ng isipitong kapurihang mahinhi't mabait.

222"Ang lihim na ito'y kaya nahalata,dumating ang araw ng pagkakatuwa;kaming nag-aaral baguntao't bata,sarisaring laro ang minunakala.

223"Minulan ang gali sa pagsasayawan,ayon sa musika't awit na saliwan;larong buno't arnis na kinakitaanna kani-kaniyang liksi't karunungan.

224"Saka inilabas namin ang trahedyang dalawang apo ng tunay na inaat mga kapatid ng nag-iwing amanganak at esposo ng Reyna Yocasta.

225"Papel ni Eteocles ang naging tungkol koat si Polinice nama'y kay Adolfo;isang kaeswela'y siyang nag-Adrastoat ang nag-Yocasta'y bunying si Minandro.

226"Ano'y nang mumulan ang unang batalyaay ang aming papel ang nagkakabaka,nang dapat sabihing ako'y kumilala'tsiya'y kapatid kong kay Edipong bunga.

227"Nanlisik ang mata'y ang ipinagsaysayay hindi ang ditsong nasa orihinal,kundi ang winika'y 'Ikaw na umagawng kapurihan ko'y dapat kang mamatay!'

228"Hinanduolong ako, sabay nitong wika,ng patalim niyang pamatay na handa,dangan nakaiwas ako'y nabulagtasa tatlong mariing binitiwang taga.

229"Ako'y napahiga sa inilag-ilag,sinabayang bigla ng tagang malakas;(salamat sa iyo, O Minandrong liyag,kundi ang liksi mo, buhay ko'y nautas!)

230"Nasalag ang dagok na kamatayan ko,lumipad ang tanging kalis ni Adolfo;siyang pagpagitan ng aming maestroat nawalang-diwang kasama't katoto.

231"Anupa't natapos yaong katuwaansa pangingilabot at kapighatian;si Adolfo'y di na namin nabukasan,noon di'y nahatid sa Albanyang bayan.

232"Naging santaon pa ako sa Atenas,hinintay ang loob ng ama kong liyag;sa aba ko't noo'y tumanggap ng sulatna ang balang letra'y iwang may kamandag.

233"Gunamgunam na di napagod humapis,di ka naianod ng luhang mabilis;iyong ginugulo ang bait ko't isipat di mo payagang payapa ang dibdib!

234"(Kamandag kang lagak niyong kamatayanng sintang ina ko'y di nagpakundangan;sinasariwa mo ang sugat na lalangna aking tinanggap na palasong liham!)

235"(Tutulungan kita ngayong magpalalang hapdi sa pusong di ko maapula;namatay si ina'y laking dalita,ito sa buhay ko ang unang umiwa.)

236"Patay na dinampot sa aking pagbasaniyong letrang titik ng bikig na pluma;diyata, ama ko, at nakasulat kang pamatid-buhay sa anak na sinta!

237"May dalawang oras na nakamalayng pagkatao ko't ng kinalalagyan;dangan sa kalinga ng kasamang tananay di mo na ako nakasalitaan.

238"Nang mahimasmasa'y narito ang sakit,dalawa kong mata'y naging parang batis;at ang Ay! ay, ina! kung kaya napatiday nakalimutan ang paghingang gipit.

239"Sa panahong yao'y ang buo kong damdamay nanaw sa akin ang sandaigdigan;nag-iisa ako sa gitna ng lumbayang kinakabaka'y sarili kong buhay.

240"Hinamak ng aking pighating mabangisang sa maestro kong pang-aliw na boses;ni ang luhang tulong ng samang may hapisay di nakaawas sa pasan kong sakit.

241"Baras na matuwid ay nilapastanganng lubhang marahas na kapighatian;at sa isang titig ng palalong lumbay,diwa'y lumipad, niring katiisan.

242"Anupa't sa bangis ng dusang bumugso,minamasarap kong mutok yaring puso;at nang ang kamandag na nakapupuno,sumamang dumaloy sa agos ng dugo.

243"May dalawang buwang hindi nakatikimako ng linamnam ng payapa't aliw;ikalawang sulat ni ama'y dumating,sampu ng sasakyang sumundo sa akin.

244"Saad sa kalatas ay biglang lumuhanat ako'y umuwi sa Albanyang bayan;sa aking maestrong nang nagpapaalam,aniya'y 'Florante, bilin ko'y tandaan.

245"Huwag malilingat at pag-ingatan moang higanting handa ni Konde Adolfo;pailag-ilagang parang basilisko,sukat na ang titig na matay sa iyo.

246"Kung ang isalubong sa iyong pagdatingay masayang mukha't may pakitang-giliw,lalong pag-ingata't kaaway na lihim,siyang isaisip na kakabakahin.

247"Dapuwa't huwag kang magpapahalata,tarok mo ang lalim ng kaniyang nasa;ang sasandatahi'y lihim na ihanda,nang may ipagtanggol sa araw ng digma.'

248"Nang mawika ito, luha'y bumalisbisat ako'y niyakap na pagkahigpit-higpit;huling tagubilin: 'bunso'y katitiisat hinihintay ka ng maraming sakit.

249"At mumulan mo na ang pakikilabansa mundong bayaning punong kaliluhan.'hindi na natapos at sa kalumbayan,pinigil ang dila niyang nagsasaysay.

250"Nagkabitiw kaming malumbay kapuwa,tanang kaeskwela--mata'y lumuluha;si Minandro'y labis ang pagdaralita,palibhasa'y tapat na kapuwa bata.

251"Sa pagkakalapat ng balikat namin,ang mutyang katoto'y di bumitiw-bitiwhanggang tinulutang sumama sa akinng aming maestrong kaniyang amain.

252"Yaong paalama'y anupa't natapossa pagsasaliwan ng madlang himutok;at sa kaingaya't gulo ng adiyos,ang buntunghininga ay nakikisagot.

253"Magpahanggang daong ay nagsipatnubayang aking maestro't kasamang iiwan;umihip ang hangi't agad nahiwalaysa Pasig Atenas ang aming sasakyan."**Pag-uwi ni Florante sa Albanya**

254"Bininit sa busog ang siyang katuladng tulin ng aming daong sa paglayag,kaya di naglaon paa ko'y yumapaksa dalampasigan ng Albanya Syudad.

255"Pag-ahon ko'y agad nagtulo sa Kinta,di humihiwalay katotong sinta;paghalik sa kamay ng poon kong ama,lumala ang sakit nang dahil kay ina.

256"Nagdurugong muli ang sugat ng puso,humigit sa una ang dusang bumugso;nawikang kasunod ng luhang tumulo:Ay, Ama! kasabay ng bating Ay, bunso.

257"Anupa'y ang aming buhay na mag-ama,nayapos ng bangis ng sing-isang dusa;kami ay dinatnang nagkakayakap paniyong embahador ng Bayang Krotona.

258"Nakapanggaling na sa Palasyo Realat ipinagsabi sa hari ang pakay;dala'y isang sulat sa ama kong hirang,titik ng monarkong kaniyang biyenan.

259"Humihinging tulong at nasa pangamba,ang Krotonang Reyno'y kubkob ng kabaka;ang puno ng hukbo'y balita ng sigla--Heneral Osmalic na bayaning Persya.

260"Ayon sa balita'y pangalawa itong Prinsipe niyang bantog sa sangmundo--Alading kilabot ng mga gerero,iyong kababayang hinahangaan ko."

261Dito napangiti ang Morong kausap,sa nagsasalita'y tumugong banayad;aniya'y "Bihirang balita'y magtapat,kung magkatotoo ma'y marami ang dagdag.

262"At saka madalas ilala ng tapangay ang guniguning takot ng kalaban;ang isang gererong palaring magdiwang,mababalita na at pangingilagan.

263"Kung sa katapanga'y bantog si Aladin,may buhay rin namang sukat na makitil;iyong matatantong kasimpantay mo rinsa kasam-ang-palad at dalang hilahil."

264Sagot ni Florante, "Huwang ding maparisang gererong bantog sa palad kong amis;at sa kaaway ma'y di ko ninanaisang laki ng dusang aking napagsapit.

265"Natanto ni ama ang gayong sakuna-sa Krotonang Baya'y may balang sumira,ako'y isinama't humarap na biglasa Haring Linceong may gayak nang digma.

266"Kami ay bago pang nanakyat sa hagdanng palasyong batbat ng hiyas at yamanay sumasalubong na ang haring marangal,niyakap si ama't noo'y kinamayan.

267"Ang wika'y 'O Duke, ang kiyas na itoang siyang kamukha ng bunying gerero;aking napangarap na sabi sa iyo,magiging haligi ng setro ko't reyno.

268"Sino ito't saan nanggaling na syudad'ang sagot ni ama...'ay bugtong kong anakna inihahandog sa mahal mong yapak,ibilang sa isang basalyo't alagad.'

269"Namangha ang hari at niyakap ako,'Mabuting panahon itong pagdating mo;ikaw ang heneral ng hukbong dadalosa Bayang Krotonang kinubkob ng Moro.

270"Patotohanan mong hindi iba't ikawang napangarap kong gererong matapangna maglalathala sa sansinukubanng kapurihan ko at kapangyarihan.

271"Iyong kautangan paroong mag-adyanuno mo ang hari sa Bayang Krotona;dugo kang mataas ay dapat kumitang sariling dangal at bunyi ng gyera.'

272"Sapagkat matuwid ang sa haring saysay,umayon si ama, kahit mapait man,na agad masubo sa pagpapatayanang kabataan ko't di kabihasaan.

273"Ako'y walang sagot na naipahayagkundi Haring poo't nagdapa sa yapak;nang aking hahagkan ang mahal na bakas,kusang itinindig at muling niyakap.

274"Nag-upuan kami't saka nagpanayamng balabalaki't may halagang bagay,nang sasalitin ko ang pinagdaanansa Bayang Atenas na pinanggalingan.

275"Siyang pamimitak at kusang nagsabogng ningning ang talang kaagaw ni Venus--Anaki ay bagong umahon sa bubog,buhok ay naglugay sa perlas na batok.

276"Tuwang pangalawa kung hindi man langitang itinatapon ng mahinhing titig;O, ang luwalhating buko ng ninibigpain ni Cupidong walang makarakip.

277"Liwanag ng mukha'y walang pinag-ibhankay Pebo kung anyong bagong sumisilang;katawang butihin ay timbang na timbangat mistulang ayon sa hinhin ng asal.

278"Sa kaligayaha'y ang nakakaayos--bulaklak na bagong winahi ng hamog;anupa't sinumang palaring manood,patay o himala kung hindi umirog.

279"Ito ay si Laurang ikinasisiraang pag-iisip ko tuwing magunita,at dahil sa tanang himutok at luha--itinotono ko sa pagsasalita.

280"Anak ni Linceong Haring napahamak,at kinabukasan ng aking pagliyag;(Bakit itinulot, Langit na mataas...na mapanood ko kung di ako dapat!)

281"(O Haring Linceo, kung di mo pinilitna sa salitaan nati'y makipanig,ang buhay ko disi'y hindi nagkasakitngayong pagliluhan ng anak mong ibig!)

282"Hindi katoto ko't si Laura'y di taksil,aywan ko kung ano't lumimot sa akin!ang palad ko'y siyang alipusta't linsil,di laang magtamo ng tuwa sa giliw.

283"(Makakapit kaya ang gawang magsukabsa pinakayaman ng langit sa dilag?kagandaha'y bakit di makapagkalagng pagkakapatid sa maglilong lakad?)

284"(Kung nalalagay ka, ang mamatuwirin,sa laot ng madlang sukat ipagtaksil,dili ang dangal mong dapat na lingapin,mahigit sa walang kagandaha't ningning?)

285"(Ito ay hamak pa bagang sumansalang karupukan mo at gawing masama,kung ano ang taas ng pagkadakila,siya ring lagapak naman kung marapa.)

286"O bunying gererong naawa sa akin,pagsilang na iyong nabagong bituin,sa pagkakita ko'y sabay ang paggiliw,inagaw ang pusong sa ina ko'y hain.

287"Anupa't ang luhang sa mata'y nanagosnang pagkaulila sa ina kong irog,natungkol sa sinta't puso'y nangilabot,baka di marapat sa gayong alindog.

288"Hindi ko makita ang patas na wikasa kaguluhan ko't pagkawalang-diwa,nang makiumpok na'y ang aking salita,anhin mang tuwiran ay nagkakalisya.

289"Nang malutas yaong pagsasalitaanay wala na akong kamaharlikahan;kaluluwa'y gulo't puso'y nadadarangsa ningas ng sintang bago kong natikman.

290"Tatlong araw noong piniging ng harisa palasyo real na sa yama't bunyiay di nakausap ang punong pighatina inaasahang iluluwalhati.

291"Dito ko natikman ang lalong hinagpis,higit sa dalitang naunang tiniis;at binulaan ko ang lahat ng sakitkung sa kahirapan mula sa pag-ibig.

292"Salamat at noong sa kinabukasan,hukbo ko'y lalakad sa Krotonang Bayan,sandaling pinalad na nakapanayamang prinsesang bumihag niring katauhan.

293"Ipinahayag ko ng wikang mairog,ng buntunghininga, luha at himutok,ang matinding sintang ikinalulunodmagpahanggang ngayon ng buhay kong kapos.

294"Ang pusong matibay ng himalang dikit,nahambal sa aking malumbay na hibik;dangan ang kaniyang katutubong baitay humadlang disin sinta ko'y nabihis.

295"Nguni't kung oo'y di man binitiwan,naliwanagan din sintang nadirimlan;at sa pagpanaw ko ay pinabaunanng may hiyang perlas na sa mata'y nukal.

296"Dumating ang bukas ng aking pag-alis,sino ang sasayod ng bumugsong sakit?dini sa puso ko'y alin ang hinagpisna hindi nagtimo ng kaniyang kalis?

297"May sakit pa kayang lalalo ng tindina ang sumisinta'y mawalay sa kasi?guniguni lamang di na ang mangyari,sukat ikalugmok ng pusong bayani.

298"(O, nangag-aalay ng mabangong suobsa dakilang altar ni kupidong diyos,sa dusa ko'y kayo ang nakatataroknoong maulila sa Laura kong irog!)"**Ang Pakikipagsapalaran ni Florante**

299"At kung hindi luhang pabaon sa akin,namatay na muna bago ko naatim;dusang di lumikat hanggang sa dumatingsa Bayang Krotonang kubkob ng hilahil.

300"Kuta'y lulugso na sa bayong madalasng mga makinang talagang pangwalat,siyang paglusob ko't ng hukbong akibat,ginipit ang digmang kumubkob sa syudad.

301"Dito'y ang masidhing lubhang kamatayanat Parkas Atropos ay nagdamdam-pagalsa paggapas nila't pagkitil ng buhayng naghihingalong sa dugo'y naglutang.

302"Makita ng piling Heneral Osmalicang aking marahaas na pamimiyapis,pitong susong hanay na dulo ng kalis,winahi ng tabak nang ako'y masapit.

303"Sa kaliwa't kanan niya'y nalaglagmga soldados kong pawang mararahas;lumapit sa aking mata'y nagniningas,Halika, aniya't kita ang maglamas.

304"Limang oras kaming hindi naghiwalay,hanggang sa nahapo ang bato ng tapang;nagluksa ang langit nang aking mapatay...habag sa gererong sa mundo'y tinakpan.

305"Siya nang pagsilid ng pangingilabotsa kalabang hukbong parag sinasalotng pamuksang tabak na Minandrong bantog...ang kampo't biktorya'y napa-aming lubos.

306"Tagumpay na ito'y pumawi ng lumbayng mga nakubkob ng kasakunaan;panganib sa puso'y naging katuwaan,ang pinto ng syudad pagdaka'y nabuksan.

307"Sinalubong kami ng haring dakila,kasama ang buong bayang natimawa;ang pasasalamat ay di maapulasa di magkawastong nagpupuring dila.

308"Yaong bayang hapo't bagong nakatighawsa nagbalang bangis ng mga kaaway,sa pagkatimawa ay nag-aagawang,malapit sa aki't damit ko'y mahagkan.

309"Sa lakas ng hiyaw ng Pamang matabil,vivang dugtung-dugtong ay nakikisaliw;ang gulong salamat, nagtanggol sa amin--dininig sa langit ng mga bituin.

310"Lalo ang tuwa nang ako'y matatapna apo ng hari nilang nililiyag;ang monarko nama'y di-munti ang galak,luha ang nagsabi ng ligayang ganap.

311"Nagsiakyat kami sa palasyong bantogat nangapahinga ang soldadong pagod;datapwa't ang baya'y tatlong araw halosna nakalimutan ang gawaing pagtulog.

312"Sa ligaya namin ng nuno kong hari,nakapagitan din ang lilong pighati;at ang pagkamatay ng ina kong pili,malaon nang lanta'y nanariwang muli.

313"Dito naniwala ang bata kong loobna sa mundo'y walang katuwaang lubos;sa minsang ligaya't tali nang nakasunod--makapitong lumbay o hanggang matapos.

314"Naging limang buwan ako sa Krotonanagpilit bumalik sa Reynong Albanya;di sinong susumang sa akay ng sintakung ang tinutungo'y lalo't isang Laura?

315"Sa gayong katulin ng aming paglakad,naiinip ako't ang nasa'y lumipad;aba't nang matanaw ang muog ng syudad,kumutob sa aking puso'y lalong hirap!

316"Kaya pala gayo'y ang nawawagaywaysa kuta'y hindi na bandilang binyagan,kundi Medialuna't reyno'y nasalakayni Alading salot ng pasuking bayan.

317"Ang akay kong hukbo'y kusang pinahimpilsa paa ng isang bundok na mabangin,di kaginsa-ginsa'y natanawan namin,pulutong ng Morong lakad ay mahinhin.

318"Isang binibini ang gapos na taglayna sa damdam nami'y tangkang pupugutan;ang puso ko'y lalong naipit ng lumbaysa gunitang baka si Laura kong buhay.

319"Kaya di napigil ang akay ng loobat ang mga Moro'y bigla kong nilusob;palad nang tumakbo at hindi natapossa aking pamuksang kalis na may poot!

320"Nang wala na akong pagbuntunang galit,sa di makakibong gapos ay lumapit;ang takip sa mukha'y nang aking ialis,aba ko't si Laura! may lalo pang sakit?

321"Pupugutan dahil sa hindi pagtanggapsa sintang mahalay ng Emir sa syudad;nang mag-asal hayop ang Morong pangahas,tinampal sa mukha ng himalang dilag.

322"Aking dali-daling kinalag sa kamayang lubid na walang awa at pitagan;mga daliri ko'y naalang-alangmarampi sa balat na kagalang-galang.

323"Dito nakatanggap ng lunas na titigang nagdaralitang puso sa pag-ibig;araw ng ligayang una kong pagdinigng sintang Florante sa kay Laurang bibig.

324"Nang aking matantong nasa bilangguanang bunying monarka't ang ama kong hirang;nag-utos sa hukbo't aming sinalakayhanggang di mabawi ang Albanyang Bayan.

325"Pagpasok na namin sa loob ng reyno,bilanggua'y siyang una kong tinungo;hinango ang hari't ang dukeng ama kosa kaginooha'y isa si Adolfo.

326"Labis ang ligayang kinamtan ng hariat ng natimawang kamahalang pili;si Adolfo lamang ang nagdalamhati,sa kapurihan kong tinamo ang sanhi.

327"Pangimbulo niya'y lalo nang nag-alabnang ako'y tawaging Tanggulan ng Syudad,at ipinagdiwang ng haring mataassa palasyo real nang lubos na galak.

328"Saka nahalatang ako'y minamahalng pinag-uusig niyang karikitan;ang Konde Adolfo'y nagpapakamatay--dahil sa Korona't--kay Laura'y makasal."**Ang Patibong ni Adolfo at Ang Kasaysayan ni Aladin**

329"Lumago ang binhing mula sa Atenasipinunlang nasang ako'y ipahamak;kay Adolfo'y walang bagay na masaklap,para ng buhay kong hindi nauutas.

330"Di nag-ilang buwan ang sa reynong tuwaat pasasalamat sa pagkatimawa,dumating ang isang hukbong maninirana taga-Turkiyang masakim na lubha.

331"Dito ang panganib at pag-iiyakanng bagong nahugot sa dalitang bayan,lalo na si Laura't ang kapangambahanang ako ay sam-ing palad sa patayan.

332"Sapagkat heneral akong iniatasng hari sa hukbong sa Moro'y lalabas;nag-uli ang loob ng bayang nasindak,puso ni Adolfo'y parang nakamandag.

333"Niloob ng Langit na aking nasupilang hukbo ng bantog na si Miramolin;siyang mulang araw na ikinalagimsa Reynong Albanya ng Turkong masakim.

334"Bukod dito'y madlang digma ng kaawayang sunod-sunod kong pinagtagumpayan;anupa't sa aking kalis na matapang,labimpitong hari ang nangagsigalang.

335"Isang araw akong bagong nagbiktoryasa Etolyang Syudad na kusang binaka,tumanggap ng sulat ng aking monarka,mahigpit na biling umuwi sa Albanya.

336"At ang pamamamahala sa dala kong hukbo,ipinagtiwalang iwan kay Minandro;noon di'y tumulak sa Etolyang Reyno,pagsunod sa hari't Albanya'y tinungo.

337"Nang dumating ako'y gabing kadiliman,pumasok sa reynong walang agam-agam;pagdaka'y kinubkob... (laking kaliluhan!)ng may tatlumpong libong sandatahan.

338"Di binigyang-daan akin pang mabunotang sakbat na kalis at makapamook;buong katawan ko'y binidbid ng gapos,piniit sa karsel na katakut-takot.

339"Sabihin ang aking pamamangha't lumbay,lalo nang matantong monarka'y pinatayng Konde Adolfo't kusang idinamayang ama kong irog na mapagpalayaw.

340"Ang nasang yumama't haring mapatanyagat uhaw sa aking dugo ang yumakagsa puso ng konde sa gawang magsukab...(O, napakarawal na Albanyang Syudad!)

341"(Mahigpit kang aba sa mapagpunuanng hangal na puno at masamang asal,sapagka't ang haring may hangad sa yamanay mariing hampas ng Langit sa bayan.)

342"Ako'y lalong aba't dinaya ng ibig,may kahirapan pang para ng marinigna ang prinsesa ko'y nangakong mahigpitpakasal sa Konde Adolfong balawis?

343"Ito ang nagkalat ng lasong masidhisa ugat ng aking pusong mapighatiat pinagnasaang buhay ko'y madalisa pinanggalingang walang magsauli.

344"Sa pagkabilanggong labingwalong araw,naiinip ako ng di pagkamatay;gabi nang hangui't ipinagtuluyansa gubat na ito't kusang ipinugal.

345"Bilang makalawang maligid ni Peboang sandaigdigan sa pagkagapos ko,nang inaakalang nasa ibang mundo,imulat ang mata'y nasa kandungan mo.

346"Ito ang buhay kong silu-silong sakitat hindi pa tanto ang huling sasapit..."mahabang salita ay dito napatid,ang gerero naman ang siyang nagsulit.

347"Ang pagkabuhay mo'y yamang natalastas,tantuin mo naman ngayon ang kausap;ako ang Aladin sa Persyang Syudad,anak ng balitang Sultang Ali-Adab.

348"Sa pagbatis niring mapait na luha,ang pagkabuhay ko'y sukat mahalata...(Ay, ama ko! bakit...? Ay, Fleridang tuwa!)katoto'y bayaang ako'y mapayapa.

349"Magsama na kitang sa luha'y maagnas,yamang pinag-isa ng masamang palad;sa gubat na ito'y hintayin ang wakasng pagkabuhay tang nalipos na hirap."

350Hindi na inulit ni Florante naman,luha ni Aladi'y pinaibayuhan;tumahan sa gubat na may limang buwan,nang isang umaga'y naganyak maglibang.

351Kanilang nilibot ang loob ng gubat,kahit bahagya nang makakitang landas;dito sinalita ni Alading hayagang kanyang buhay na kahabag-habag.

352Aniya'y "Sa madlang gyerang dinaanan,di ako naghirap ng pakikilabanpara nang bakahin ang pusong matibayni Fleridang irog na tinatangisan.

353"Kung nakikiumpok sa madlang prinsesa'y,si Diana'y sa gitna ng maraming Nimpa,kaya't kung tawagin sa Reynong Persya,isa si Houris ng mga propeta.

354"Anupa't pinalad na aking dinaigsa katiyagaan ang pusong matipid;at pagkakaisa ng dalawang dibdibpagsinta ni ama'y nabuyong gumiit.

355"Dito na minulan ang pagpapahirapsa aki'y ninasang buhay ko'y mautas;at nang magbiktorya sa Albanyang Syudad,pagdating sa Persya'y binilanggo agad.

356"At ang ibinuhat na kasalanan ko,di pa utos niya'y iniwan ang hukbo;at nang mabalitaang reyno'y nabawi mo,noo'y hinatulang pupugutan ng ulo.

357"Nang gabing malungkot na kinabukasan,wakas na tadhanang ako'y pupugutan,sa karsel ay nasok ang isang heneral,dala ang patawad na lalong pamatay.

358"Tadhanang mahigpit ay malis pagdaka,huwag mabukasan sa Reyno ng Persya;sa munting pagsuway-buhay ko ang dusa...sinunod ko't utos ng hari ko't ama.

359"Nguni't sa puso ko'y matamis pang lubhana tuloy nakitil ang hiningang aba,huwag ang may buhay na nagugunita--iba ang may kandong sa langit ko't tuwa.

360"May anim na ngayong taong walang likatnang nilibut-libot na kasama'y hirap..."napatigil dito't sila'y may namatyag--nagsasalitaan sa loob ng gubat.**Kasaysayan ni Flerida**

361Napakinggan nila'y ganitong saysay"nang aking matatap na papupugutanang abang sinta kong nasa bilangguannagdapa sa yapak ng haring sukaban.

362"Inihinging-tawad ng luha at daingang kaniyang anak na mutya ko't giliw;ang sagot ay kundi kusa kong tanggapinang pagsinta niya'y di patatawarin.

363"Anong gagawin ko sa ganitong bagay?ang sinta ko kaya'y bayaang mamatay?napahinuhod na ako't nang mabuhayang prinsipeng irog na kahambal-hambal!

364"Ang di nabalinong matibay kong dibdibng suyo ng hari, bala at paghibik,naglambot na kusa't humain sa sakitat nang mailigtas ang buhay ng ibig.

365"Sa tuwa ng hari, pinawalan agadang dahil ng aking luhang pumapatak;datapwa't tadhanang umalis sa syudadat sa ibang lupa'y kusang mawakawak.

366"Pumanaw sa Persya ang irog ko't buhayna hindi man kami nagkasalitaan;tingni kung may luha akong ibubukalna maitutumbas sa dusa kong taglay!

367"Nang iginagayak sa loob ng reynoyaong pagkakasal na kamatayan ko,aking naakalang magdamit-gereroat kusang nagtanan sa real palasyo.

368"Isang hatinggabi kadilima'y lubha,lihim na naghugos ako sa bintana;walang kinasama kung hindi ang nasa--matunton ang sinta kung nasaang lupa.

369"May ilan nang taon akong naglagalagna pinapalasyo ang bundok at gubat;dumating nga rito't kita'y nailigtassa masamang nasa niyong taong sukab..."

370Salita'y nahinto sa biglang pagdatingng Duke Florante't Prinsipe Aladin;na pagkakilala sa boses ng giliw,ang gawi ng puso'y di mapigil-pigil.

371Aling dila kaya ang makasasayodng tuwang kinamtan ng magkasing irog?sa hiya ng sakit sa lupa'y lumubog,dala ang kaniyang naputol na tunod.

372Saan kalangitan napaakyat kayaang aking Florante sa tinamong tuwa;ngayong tumititig sa ligayang mukhang kaniyang Laurang ninanasa-nasa?

373Anupa nga't yaong gubat na malungkot,sa apat ay naging paraiso't lugod;makailang hintong kanilang nilimotna may hininga pang sukat na malagot.

374Sigabo ng tuwa'y nang dumalang-dalang,dininig ng tatlo ang kay Laurang buhay;nasapit sa reyno mula nang pumanawang sintang nanggubat; ganito ang saysay...**Katapusan ng Florante at Laura**

375"Di lubhang nalaon noong pag-alis mo,O, sintang Florante sa Albanyong Reyno,narinig sa baya'y isang piping gulona umalingawngaw hanggang sa palasyo.

376"Ngunit di mangyaring mawatas-watasanang bakit at hulo ng bulung-bulungan;parang isang sakit na mahulaanng medikong pantas ang dahil at saan.

377"Di kaginsa-ginsa, palasyo'y nakubkobng magulong baya't baluting soldados;(O, araw na lubhang kakila-kilabot!araw na sinumpa ng galit ng Diyos!)

378"Sigawang malakas niyong bayang gulo:'mamatay, mamatay ang Haring Linceona nagmunakalang gutumin ang reyno'tlagyan ng estangke ang kakani't trigo.'

379"Ito'y kay Adolfong kagagawang lahatat nang magkagulo yaong bayang bulag;sa ngalan ng hari ay isinambulatgayong ordeng mula sa dibdib na sukab.

380"Noon di'y hinugot sa tronong luklukanang ama kong hari at pinapugutan;may matuwid bagang makapanlulumaysa sukab na puso't nagugulong bayan?

381"Sa araw ring yao'y naputlan ng uloang tapat na loob na mga konseho;at hindi pumurol ang tabak ng lilohanggang may mabait na mahal sa reyno.

382"Umakyat sa trono ang kondeng malupitat pinagbalaan ako nang mahigpit,na kung di tumanggap sa haing pag-ibig,dustang kamataya'y aking masasapit.

383"Sa pagnanasa kong siya'y magantihanat sulatan kita sa Etolyang Bayan,pinilit ang pusong huwag ipamalaysa lilo-ang aking kaayawa't suklam.

384"Limang buwang singkad ang hininging taning,ang kaniyang sinta'y bago ko tanggapin;ngunit ipinasyang tunay sa panimdimang magpatiwakal kundi ka dumating.

385"Niyari ang sulat at ibinigay kosa tapat na lingkod nang dalhin sa iyo;di nag-isang buwa'y siyang pagdating mo'tnahulog sa kamay ni Adolfong lilo.

386"Sa takot sa iyo niyong palamarakung ikaw'y magbalik na may hukbong dala,nang mag-isang muwi ay pinadalhan kang may selyong sulat at sa haring pirma.

387"Matanto ko ito'y sa malaking lumbaygayak na ang puso na magpatiwakalay siyang pagdating ni Minandro naman,kinubkob ng hukbo ang Albanyong Bayan.

388"Sa banta ko'y siyang tantong nakatanggapng sa iyo'y aking padalang kalatas,kaya't nang dumating sa Albanyang Syudad,lobong nagugutom ang kahalintulad.

389"Nang walang magawa ang Konde Adolfoay kusang tumawag ng kapuwa lilo;dumating ang gabi umalis sa reynoat ako'y dinalang gapos sa kabayo.

390"Kapagdating dito ako'y dinadahasat ibig ilugso ang puri kong ingat;mana'y isang tunod na kung saan buhat,pumako sa dibdib ni Adolfong sukab..."

391Sagot Flerida: "Nang dito'y sumapitay may napakinggang binibining bosesna pakiramdam ko'y binibigyang-sakit,nahambal ang aking mahabaging dibdib.

392"Nang paghanapin ko'y ikaw ang nataos,pinipilit niyong taong balakiyot;hindi ko nabata't bininit sa busogang isang palasong sa lilo'y tumapos..."

393Di pa napapatid itong pangungusap,si Minandro'y siyang pagdating sa gubat;dala'y ehersito't si Adolfong hanap,nakita'y katoto... laking tuwa't galak!

394Yaong ehersitong mula sa Etolya,ang unang nawika sa gayong ligaya:"Biba si Floranteng Hari sa Albanya...Mabuhay, mabuhay ang Prinsesa Laura!"

395Dinala sa reynong ipinagdiriwangsampu ni Aladi't ni Fleridang hirang,kapuwa tumanggap na mangabinyagan;magkakasing sinta'y naraos nakasal.

396Namatay sa bunying Sultan Ali-Adab,nuwi si Aladin sa Persyang Syudad;ang Duke Florante sa trono'y naakyatsa siping ni Laurang minumutyang liyag.

397Sa pamamahala nitong bagong hari,sa kapayapaan ang reyno'y nauwi;dito nakabangon ang nalulugamiat napasatuwa ang nagpipighati.

398Kaya nga'y nagtaas ang kamay sa langit,sa pasasalamat sa bayang tangkilik;ang hari't ang reyna'y walang naiisipkundi ang magsabog ng awa sa kabig.

399Nagkasama silang lubhang mahinusayhanggang sa nasapit ang payapang bayan...(Tigil, aking Musa't kusa kang lumagaysa yapak ni SELYA'T dalhin yaring Ay!... AY!)